28 Separate ways Shawnna Gaile Arcinue Nang makita ko ang kinaroroonan ni Ms. Pangil ay pinanood ko muna siya. Hindi ko na muna nilapitan dahil baka mawala na naman siya at tumakas. Masyado siyang mailap hindi lang sa akin kung hindi pati na rin sa mga pulis. Ang galing niyang magtago at tumakas. Hindi tuloy ako naniniwalang walang tumutulong sa kaniya. Gamit ang makabagong teknolohiya sa mundong ito ay hindi malabong hindi siya mahuli kaagad. Ang tanong na lamang ngayon ay kung paano niya nagagawang makawala sa mga sakim na tao? I can see pain in her eyes as I look at her. Namumutla rin siya kumpara sa normal na bampira. Palagi naman kasi silang namumutla kahit na walang sakit. Her eyes are bloodshot at may mga ugat sa kaniyang mukha. I think she's really in pain and she needs my bl

