Chapter 53 The Other Half Shawnna Gaile Arcinue “Luke…” “Tatayo ka na lang ba riyan? Alam mo naman siguro kung ano ang kailangan ko sa ‘yo ngayon pa lang. Kapag ginawa mo ‘yon ay baka maisipan ko pang pakawalan ang mag-ama mo.” Ibinuka ko ang bibig ko upang magsalita pero para bang walang gustong kumawala roon. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin sa kaniya, kung ano ang dapat na itanong. Gusto kong sabihin niyang isang prank lang ‘to na naisip nila MJ para pag-tripan ako. Pero nang makita ko ang mag-ama kong nakakulong sa isang invisible barrier ay napaluhod na lang ako. Bigla akong nanghina dahil sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at kung panaginip lang ba ‘to. Baka naman kailangan ko lang gumising mula sa masamang panaginip na ‘to. Baka ito na ang pagsub

