Chapter 54 The Real Challenge Shawnna Gaile Arcinue Humans call their homes safe haven. This is where they can do what they want. It is where they can be themselves without minding what other people might think. They said it makes them feel secure… safe. But I grew up differently. Isa sa mga kinaiinggitan ko sa mga tao ay ang tinatawag nilang pamilya. Dito sila kumukuha ng lakas kapag napapagod na sila, dito sila naghahanap ng pag-asa sa tuwing nanghihina na sila. Ito ang sandalan nila sa panahong gusto nilang umiyak at maglabas ng sama ng loob. Comparing their lives to mine, sobrang layo ng kahulugan ng pamilya para sa ‘kin. Sa tuwing napapagod ako, tinutulog ko na lang. Sa tuwing nawawalan ako ng pag-asa, nagsasanay ako para mahasa ang kakayahan ko. And when I wanted to cry, I wo

