Ang sinabi ni Ellie sakin ang laman ng utak ko buong araw. Yun rin ang naging laman ng panaginip ko pero medyo malabo yung ibang detalye. Ang ipinagtataka ko lang kung ba't nandoon si Jame Brancen. Naghalohalo na ata ang panaginip ko. Nasa hapag ulit kami at kumakain ng almusal. "Bukas na pala tayo uuwi. Sky, sa inyo ulit kami titira ha." Panimula ni Harel "Kayong bahala. Ginawa niyo namang kwarto niyo yung guestroom namin doon. Kaya nga pinalaki iyon lalo ni dad dahil sa inyo." sabi ni Sky Hindi na sakin bago ang sinabi ni Sky. Hindi ako dito nagbakasyon nung last summer kaya hindi ko alam na nagpaextension pala si Tito sa guestroom. Close ang magpipinsan sa parents ni Sky lalo na't family friend iyon ng parents nila. Pag pumupunta si Sky sa Pilipinas sa halip na sa amin d

