Narinig ko ang paghugot nito ng malalim na hininga saka niya ito pinakawalan. "May aaminin ako sayo. Apat na taon ko na itong tinatago kaso hindi ko lang maamin sayo dahil hindi na kita nakikita. Nang dahil sa sinabi ng manghuhula, nagkalakas loob akong umamin sa matagal ko nang tinatago. Aamin na ako." Puno ng sinseredad ang tono ng pananalita niya. Ibig sabihin, tama yung hula sa kanya? Nakaramdam ako ng panunuyo ng lalamunan ko. Mas lalong nadagdagan ang kaba ko sa maaari niyang aminin sakin. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin iyon. "Julie... Julie, gusto k--"Jame Brancen! Julie! Nandito lang pala kayong dalawa. Hoy Jame Brancen. Diba inutusan kita na pabalikin na si Julie? Ba't ang tagal niyo. Pinagbubungangaan na ako ni Sky. Bumalik na tayo doon. Ang lamig na dito." putol ni

