Basang basa ako nang dumating ako sa bahay. Ang gulat at puno ng pagtatakang mukha ni Stolich ang tumambad sa akin. "Ate? Ano na naman bang-- Lumapit ako sa kanya lalo at niyakap siya na nagpatikom ng bibig niya. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi na nagtulak na naman sa mga luhang bumuhos. I need this right now. Kailangan ko ng mapagbubuhusan ng emosyon ngayon. Kailangan kong maramdaman na kahit ngayong oras lang ay may handang sumalo sa akin. "W-Wala na kami. I broke up with him..." Napahagulhol ako at hindi na naipagpatuloy ang gusto kong sabihin sa kanya. Nanghihina na ako. Tanging ang pagyakap ko sa kanya ang naging lakas ko para manatiling nakatayo. "Anong nangyari? Si Kuya JK? Hinayaan niyang..." Napahigpit ang yakap ko kay Stolich. Tanging hagulhol nalang ang pumaib

