Hindi ko na alam kung paano ako titigil sa pag-iyak. Kasama ko na lahat ng mga babae pati si Tyra maliban kay Sky. Hindi ko alam kung nasaan na ang babaeng iyon. Kanina pa nila ako pinapatahan pero ayaw huminto ng luha ko at patuloy lang ako sa paghikbi. Nandito kami ngayon sa tambayan ng magpipinsan. "Please Julie, tumahan kana." Niyakap ako ni Tyra. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin sa mga oras na 'to. Pag tumahan ba ako mabubura lahat sa alaala nila ang video na iyon? Mabubura ko ba sa isipan ng Delafuente na iyon ang nakita niyang video? Pinagseselosan niya nga si Jame Brancen kahit lang napapangiti ako tapos yung makita niya pang kahalikan ko. Napahagulhol ako lalo. "Anong kinalaman ni Kai dito? Ba't siya yung pinupunterya ni Sky?" tanong ni Ellie. "Si Kai raw ang

