Pumangalumbaba ako sa upuan ko. Gustong gusto ko nang makasama ang Delafuente na iyon pero ang tagal matapos ng klase. Pakiramdam ko ang bagal ng oras. "Napakahalata niyong dalawa. Takpan niyo nga yang mga mukha niyo. Naalibadbaran ako." Umismid si Sky sa aming dalawa ni Ellie. Hindi lang pala ako ang nababagalan sa oras. Pati nga yung pagsusulat ng prof sa harap pakiramdam ko bawat letra ay isang minuto niyang isinusulat. "Find a boyfriend then, para makarelate ka." sabi ni Ellie. Ipinukos ko ang tingin ko sa ekspresyon ng pinsan kong blangko. Wala pa ata siyang balak magkaboyfriend ulit. "Why should I even do that. Maraming naghahanap sakin kaya nga nagtatago ako. Maraming nagkakandarapa sakin maging girlfriend lang nila ako. I dont have to find one." Nagsulat siya sa

