Sunday ngayon kaya nakapangalumbaba ako sa upuan habang nagl-lunch, katext ko ang Delafuente na iyon pero hindi pa siya nagrereply. Sumubo ako ng pizza nang pumasok si Stolich sa kusina. Kamuntik pa akong masamid nang makita ko ang imahe niya. Agad kong binitiwan ang kalahating slice at napainom ng tubig. "Napakagwapo ko ba ate para halos mabulunan ka?" sabi niya sa isang blangkong ekspresyon. Binuksan niya ang ref at nilagok ang freshmilk. "Ang sagwa ng mukha mo kaya kamuntik na akong masamid!" Pagsisinungaling ko. Ba't napakagwapo niya ngayon?! Nakapolo siya ng isang darkblue at nakatupi ang magkabilang siko. May suot rin siyang dogtag at nakapulupot na headphone sa kanyang leeg. Napakaporma niya! At amoy na amoy ko dito sa kinauupuan ko ang pabango niya! "Admit it, gwapo ang kapatid

