Quiver
"Ano, kumusta ka naman jan?"
Kitang-kita ko sa screen ang paglabas ni Uncle sa bahay at ang pag-angat niya pa sa cellphone para lang makasagap ng signal.
Napangiti naman ako.
"Okay na okay, Uncle! Sobrang saya ko po dun sa pinuntahan naming forum kahapon!"
"Yun ba yung kinukwento mo na isa ka sa napiling ipadala ng eskwelahan mo?" namamanghang tanong niya.
"Opo! Wait, may ipapakita 'ko sa inyo," sabi ko at binitbit ang cellphone habang kinukuha ang jacket.
"Binigyan pa kami nito oh! Tignan niyo naman, Uncle may logo pa yan ng All Asia tapos ilan lang kaming meron niyan!" pambibida ko.
"Pa, si Ellie yan?"
Bigla kong narinig ang boses ni Nash mula sa kabilang linya. Tumagilid ang ulo ni Uncle para harapin ito at sagutin. Hindi nagtagal ay sumulpot na rin ito sa screen.
"Hoy Ellie!" malaki ang ngisi ni Nash na sumingit sa video call at bahagyang namamangha pa.
"Ano? Miss mo na pinaka mabait mong pinsan?" asar ko.
"Wish mo lang! Kapag ba naging piloto ka na, makakasakay kami nang libre sa eroplano?" taas-kilay na hamon niya.
"Depende sa trato mo sakin," ganti ko.
Bigla siyang nagkunwari na lumambot ang ekspresyon. "Ay nako, pinsan, sinasabi ko talaga sayo pag-uwi mo rito handa akong maging utusan at alila mo!"
Napahalakhak ako. "Joke lang walang ganun baliw!"
Agad na nagbago ang ekspresyon niya.
"Oh, oh, tama na yan at papasok pa yang pinsan mo." singit ni Uncle habang binabawi ang telepono kay Nash.
"Okay lang, Uncle, maaga pa naman," sabi ko dahil may 30 minutes pa naman ako bago umalis.
"Kelan ka nga pala makakauwi?"
"Wag na, wag nang pauwiin yan!" sabat ni Nash.
Binatukan siya ni Uncle. Binelatan ko siya bago bumaling kay Uncle.
"Sa sembreak po sigurado yun. O kaya pag nagka-holiday,"
Tumango-tango siya. "Oh siya, oh siya. Mag-iingat palagi, Ellie ha. Yung mga paalala ko sayo laging tatandaan,"
Inabot pa ng ilang minuto ang mga munting paalala ni Uncle bago natapos ang tawag. Hinanda ko na rin ang gamit para makaalis na.
Ang boarding house namin ay kahilera lang mismo ng katapat na kalsada ng PCAST kaya't wala pang sampung minuto ay nakakarating na ko sa mismong classroom.
Nagulat ako nang pagpasok ay naabutan na roon si Yael.
"Aga ah!"
Umangat ang tingin niya mula sa ginagawa.
"Daming assignments eh," ngisi niya.
"Oh? Buti pala excused kami kahapon," sabi ko.
Napabaling siya sakin. "Kumusta pala?"
Gumuhit ang ngiti sa labi ko at magiliw na kinwento ang mga nangyari. Mula sa pinakamaliit hanggang pinakamalaking detalye ay animated na ikunwento ko sa kanya. Halos tumigil na siya sa ginagawa kung hindi ko pa sinabihan na ituloy niya lang habang nagsasalita ako.
Nang sumapit ang alas-syete ay dumating na rin naman ang prof namin sa Theory of Flight.
"Ano gagawin dito ngayon?" bulong ni Yael.
"Reporting,"
Tahimik na tumango lang siya.
Iba ang sistema ng reporting dito kumpara noong high school na binibigyan ng topic at estudyante na mismo ang bahalang mag-interpret. Dito ay magtuturo muna ang prof at saka magpapareport para makita niya kung paano naintindihan ang tinuro. Nagbabato rin siya ng mga tanong bilang assessment.
Continuation na lang naman ang magaganap dahil may ilan nang grupo ang natapos noong nakaraan kabilang na ang grupo ko.
Nanlaki ang mata ko nang makitang isa si Spencer sa tatlong tumayo. Isa pala siya sa presenters ngayon!
Bumati sa klase ang isang kagrupo nila at nagbigay na ng introduction. Nakatuon naman ang titig ko kay Spencer at abang na abang. Napakapit pa ko sa desk ko nang mukhang magsasalita na siya.
"We'll also be focusing on the Aerodynamics of Flight, including RC planes, and the Polyvagal Theory,"
Damn, he sounds like a professional. Parang pwede na siyang ipang-tapat sa mga nag-salita kahapon sa forum!
Dinukot ko ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe kay Sienna.
Ellie Madeline:
Sie, patanong nga kay Uncle kung pwede na kong mag-jowa
Napahalakhak ako sa isip nang maipadala ang mensahe. Tinago ko ang telepono at bumalik sa pakikinig.
Pakiramdam ko'y nagniningning ang mata ko habang pinapanood si Spencer.
"The shape of a typical airfoil is asymmetrical. Its surface area is greater on the top than on the bottom-"
Pumihit pa siya patalikod para makaharap sa white board at mag-drawing. Sobrang well-built talaga ng katawan niya! Kitang-kita sa likod niya ang pagkakadepina ng bawat bahagi. And... and.. don't even start me with his butt-
"As the air flows over the airfoil, it is displaced more by the top surface than the bottom."
Humarap na siya muli kaya napakurap ako mula sa kaninang tinititigan. Dumako ang tingin ko sa dinrawing niya.
My lips parted. Even his drawing is perfect! Parang hindi quick-sketch lang!
I flinched when I felt my phone vibrated.
Sienna May:
bahala ka raw! HAHAHAHHAHA
I grinned and chose not to reply. Tuluyan ko nang tinago ang telepono at nag-focus sa pakikinig. Lalo na nang dumating na sa question and answer portion.
"Mr. Montero, can you tell me what is the predetermined shape for a wing airfoil?" intimidating na tanong ng prof.
Parang ako ang kinabahan para sa kanya.
"There's no such thing, Ma'am."
The professor raised her brow at his answer.
"There is no predetermined shape for a wing airfoil, it is designed based on the function of the aircraft it will be used for."
I sighed heavenly while watching him. Just how can he be so ideal?
Nakita kong satisfied na tumango ang prof ngunit nagbigay pa ng kasunod na tanong.
"In that case, what can be done to aid the design process then?"
Spencer didn't even blink before answering.
"Engineers use the lift coefficient to measure the amount of lift obtained from a particular airfoil shape," he said. "Lift is proportional to dynamic pressure and wing area,"
Pinatong ko ang siko ko sa desk at nilapag ang baba sa kamay. I stared at him dreamily.
Nagpatuloy pa ang pagsubok ng prof na gisahin sila habang nakangiting pinapanood ko lang ang hindi nagbabagong ekspresyon ni Spencer.
Maya-maya'y napa-doodle na ko sa likod ng notebook habang papuslit-puslit pa rin ng angat ng tingin sa kanya.
Hanggang sa matapos ang presentation ay pumalakpak lang ako nang malakas at nakangiting bumalik sa ginagawa.
"Uy break, tara kain?" aya ni Yael.
"Pass muna, dami kong kinaing almusal." sabi ko habang nagpapatuloy sa pagdu-doodle.
"Aba, tumatanggi ka na sa pagkain ngayon ah."
Tinawanan ko lang iyon at hindi na rin naman nagtagal ay lumabas na rin siya para bumili.
Pinagpatuloy ko ang ginagawa dahil nagugustuhan ko ang kinakalabasan noon.
Nang malapit nang matapos ay tuluyan nang gumuhit ang ngiti sa labi ko.
"Spencer Montero?"
I heared someone muttering from behind.
I stiffened before turning to see who it was.
"The f**k?" Zaid asked with his amused expression.
Kinunotan ko lang siya ng noo.
"Crush mo si Spencer?" nakangising tanong niya.
Hindi ako agad nakasagot at bagkus ay tinignan lang siya nang masama.
That made him broke into laughter. He was looking at me like I'm the biggest joke of the century.
I clenched my jaw.
"Oo." mariing sagot ko. "Ano naman ngayon?" matapang na tanong ko bago siya tinaasan ng kilay.
His laughter halted.
His expression gradually changed.
I witnessed how amusement slowly left his face.
The sparkle in his eyes are now gone too.
The sudden serious stare he's giving me almost made me quiver.