Harder
Pinalis ko agad ang luha bago pinilig ang ulo habang nakayuko pa rin. Hindi ko na siya binigyan pa ng sagot. Nanatili rin naman na siyang tahimik at hindi na muli pang nagtanong.
Walang sabi-sabing pumasok na ako sa sasakyan. Hindi nagtagal ay sumunod na rin naman siya. Magkatabi kaming nakapwesto sa backseat habang ang driver lang ang nasa unahan.
"Ayos na ba? Alis na tayo?"
Kahit narinig ang tanong ng driver ay napako na ang tingin ko sa bintana. Nang maramdaman marahil na wala akong balak magsalita ay si Spencer na ang sumagot para sa amin.
Nanatili akong tahimik na nakatanaw sa may bintana nang magsimula nang umandar ang sasakyan.
I heared Spencer heaving a sigh.
"Place your bag here.." he softly said.
Natigilan ako atsaka marahang binaling ang ulo sa pwesto niya.
Nagtama ang mata namin at ramdam ko ang munting pag-iingat sa mga tingin niya.
"Para makasandal ka nang maayos.."
Binagsak niya ang tingin sa likod ko kung nasan nakalapag ang backpack ko. Napatingin ako roon at napansing nakaharang nga iyon sa sandalan ng upuan ko.
Bumuntong hininga ako at hinawakan iyon. Natigilan ako nang sabayan niya ang galaw ko at siya na mismong nag-abot noon para mailagay nang maayos sa gilid ko. Pinagtabi niya ang mga bag namin at ngayo'y naka-pwesto na ang mga iyon sa pagitan namin.
Mabilis na pinasadahan niya lang iyon ng tingin pati na ako bago siya umayos na rin ng pagkakaupo at binaling na ang tingin sa harap.
Ilang saglit pang nagtagal ang tingin ko sa kanya ngunit nanatili na siyang tahimik na nakatingin naman sa bintana.
Lumunok ako atsaka umiwas ng tingin. Nilibang ko na lang din ang sarili sa tanawin sa labas.
Paminsan-minsa'y sinisilip ko si Spencer at nakita kong seryoso na siyang nagbabasa ng kung ano sa phone niya.
Pagkalipas ng kulang-kulang dalawang oras ay huminto na rin ang kotse sa venue.
"Ibibigay ko ang contact ko sa inyo ah, para mai-message niyo na lang ako mamaya pag malapit nang matapos," wika ng driver.
Sumang-ayon kami at sinave nga ang numero niya. Pagkatapos ay nagtungo na kami ni Spencer papasok sa Convention Center na paggaganapan ng forum. Walang nagsasalita sa amin hanggang tuluyan nang makapasok.
Namangha ako nang madatnan ang loob ng Plenary Hall. Halatang isang malaking event ang magaganap dahil sa pagkakagayak doon. The place was equipped with a permanent stage. I roamed my eyes around and it looks like it can accomodate thousands of people.
Tinahak namin ang daan sa kung nasan ang registration. Karamihan sa mga nakikita ko ay nakadamit din ng kahawig ng sa amin. Nakakatuwang tignan.
Sa registration area pa lang ay na ramdam na ramdam ko na ang excitement. May ipinamahagi silang mga booklet, name tag at food stub doon.
"Huwag diyan! Dun tayo sa gitna," ngisi ko nang makitang tila patungo ang lakad ni Spencer sa may bandang gilid.
Sa hindi ko na maitagong excitement ay napataas ang kilay niya. Sumunod din naman siya at naglakad na kami palapit sa mas magandang pwesto. Huminto pa siya sa aisle at binalingan ako para paunahing makaupo.
Lumapad ang ngiti ko nang kumportable nang makaupo. Hindi pa man nagsisimula ay may pine-play nang video tungkol sa aviation. Sa kasamang astig na audio at voice over doon ay halos kilabutan na ako. Ang sarap sa pakiramdam!
Binasa ko ang nakasulat sa program at nakitang magsisimula na rin pala ito sa loob ng ilang minuto. Habang dumarami ang tao ay nalalamanan na rin ang mga bakanteng upuan sa paligid namin.
Ang dalawang lalaki na nasa isang gilid ko ay nasundan ko na ang usapan. Ngayon lang sila nagkakilala ngunit napaka-pormal at professional na ng pinaguusapan tungkol sa flying school. Tunog literate at intellectual sila. May accent pa! Hindi ako makapaniwalang nasali ako dito kasama ang ganito katatalinong tao.
Saglit na dumilim ang paligid nang opisyal na magsimula. I feel so giddy on the insides.
"The Future Pilot Forum had been an annual platform for aviation industry partners and recruiters to have a unique access with career changers and students like you! As we also intend to expose you into learning more about the career as a professional pilot!"
The presenters provided pieces of advice on pathways to the career. Mismong mga commercial pilots ang ilan sa mga naging speaker at halos sumabog na ang puso ko sa sobrang fulfilment!
May pina-fill up-an samin ang isa sa mga guest speaker na may ari ng isang sikat at malaking airline. May essay part doon at balak kong seryosohin dahil baka mamaya ay balak pala nitong i-hire in the future ang ilan sa amin! Natatawa na lang din ako sa pinag-iisip ko.
Sinulit ko ang oras dahil lunch break naman na at mamaya pa ang sunod na activity.
Sa gilid ko ay naramdaman kong natapos na si Spencer.
"Give me your food stub,"
Napalingon ako nang mapansing tumayo na rin siya.
"Huh?" wala sa sariling tanong ko.
Lumipad ang tingin ko sa pila kung saan dinidistribute na ang pagkain. Nanlaki ang mata ko nang makuha ang ibig niyang sabihin. Umiling-iling ako.
"Wag na, pipila na lang din ako pagkatapos ko..."
Nakakahiya naman kung siya pa ang papipilahin ko para kumuha ng pagkain ko. Magtatagal siyang nakatayo roon at maghihintay habang ako'y paupo-upo lang.
He eyed me intently.
"It's fine.. Let me get the food for you," marahang sabi niya.
Nanuyo ang lalamunan ko habang nakatitig sa kanya. Lumunok ako bago bumagsak ang tingin. Dahan-dahan kong hinugot ang stub at inabot sa kanya.
"T-thank you," hindi makatingin na sabi ko.
Halos hindi ko pa agad maituloy ang sinusulat pagkaalis niya. Pinilig ko ang ulo para matapos na ang ginagawa. Inabot ako ng ilang minuto sa pag-iisip. Nang maisulat na ang huling bahagi ay napangiti na ako at tinabi iyon.
Saktong pag-angat ko ng tingin ay namataan ko si Spencer na naglalakad palapit sa pwesto namin. Seryoso itong nakatingin sa mga hawak.
Parang may humahaplos sa puso ko habang pinapanood siyang papalapit. Ang matipuno at pormadong-pormadong pustura niya ay abala sa bitbit na mga pagkain para sa amin. He looks like a hot waiter in a pilot suit. A hot waiter that will serve my food. My food. I chukled inwardly.
I gave him my thanks once again before we started eating in silence. Nagkaroon pa ng intermission number habang kumakain pa ang ilan.
Nang ituloy ang programa ay nagkaroon pa ng isang presenter. Pagkatapos ay nagtungo na sa huling bahagi kung saan pinatayo kami para libutin ang mga tinayong stations sa loob ng hall. We were able to have a first-hand experience of some drills that only real pilots get to do. It's crazy!
Paborito ko ang station kung saan pinaranas samin virtually ang pagcocontrol. May malaking screen sa harap ng inupuan namin habang nakahawak kami sa manibela at ilang controllers. Kuhang-kuha yung set-up sa mga pinapanood ko. Grabe yung feels! My heart was beaming with happiness.
"Last station na?" malungkot na tanong ko nang mapansing nasa dulo na kami.
Inuna na kasi ang closing remarks kaya pagkatapos ng huling istasyon ay opisyal na tapos na.
"Yeah.."
"Anong meron dun?" tanong ko habang papalapit kami.
"Souvenirs,"
Nanlaki ang mata ko. Bumilis ang mga hakbang ko at napangisi na rin.
Manghang-mangha ako nang bigyan kami ng jacket na may tatak ng All Asia! May malaking tote bag pa na maraming laman tulad ng magazines, ballpens at iba pa! Agas na pinagdiskitahan ko ang jacket. Mabilis ko iyong sinuot ng may malaking ngiti sa labi.
Nilabas ko pa ang cellphone at tinignan doon ang reflection ko. I can feel Spencer's gaze on me. I suddenly felt conscious when I caught him amusingly staring at me.
Dahan-dahang kong binaba ang cellphone at umiwas ng tingin. I cleared my throat.
"Want me to take a picture of you?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Oo nga! Remembrance! Bat hindi ko naisip iyon?
Inangat ko ang tingin sa kanya at nakita siyang nag-aabang ng sagot ko. Unti-unti akong ngumiti at tumango bago inabot sa kanya ang cellphone. Kinuha niya rin muna ang tote bag na hawak ko. Inalok kong kuhanan din siya ng picture pagkatapos ko ngunit tumanggi siya.
Nahihiya man ay pumwesto na ako sa kung saan makikita sa likod ko ang stage at ngumiti. He took few shots of me bago kami lumapit sa isa't isa. Hinayaan niyang tignan ko kung ayos na iyon.
"Okay na, thank you..." ngiti ko.
Inilahad ko ang kamay para bawiin ang tote bag habang nakatitig pa rin sa phone. Nagtaka ako nang walang maramdaman na dumapo roon. Inangat ko ang tingin at nakitang hindi niya pa rin inaabot iyon.
"It's quite heavy..." he sighed. "Let me just carry this," he gently said.
Dahan-dahang bumagsak ang nag-aabang kong kamay. Parang bigla akong nanghina at nanlambot sa sinabi niya.
Oo nga at medyo mabigat iyon. Pero kaya ko pa rin naman. Ngunit ang kaisipan na nagdesisyon siyang bitbitin na iyon para sa akin ay nakakakiliti.
Hanggang sa pag-aya niya tuloy palabas ay pakiramdam ko'y nakalutang pa rin ako. Para akong nawala sa sarili. Magaan ang bawat hakbang.
Ang sarap niyang titigan habang dala ang dalawang bag. Isang blue at pink. Isang blue para sa kanya. At isang pink para sa akin.
Pagdating sa pinto ay bahagya niya pang inunahan ang hakbang ko para buksan ang pinto para sa akin. I immediately felt butterflies on my stomach. Ganun din naman ang ginawa niya kanina noong pumasok kami rito pero ngayon ko lang tila nabibigyang kulay ang bawat galaw niya.
I was trying so hard to hide my smile as I stepped outside. Nauna na kong lumabas at inipit pa ang takas na buhok sa likod ng tainga.
Dahan-dahan akong sumilip sa gilid para lingunin siya nang mapansing wala pa rin siya. Kumunot ang noo ko at bumaling sa likod.
Naabutan ko siyang hawak pa rin ang pinto habang dumadaan ang tatlong babae.
Nang makalabas ang panghuli ay saka niya lang binitawan iyon at lumabas na rin.
Nakita ko pang kilig na kilig ang mga babae sa ginawa niya.
Parang ako lang.
Napakurap-kurap ako.
"Let's go?"
Nalipat ang tingin ko sa kanya.
I mentally shook my head. I won't let any unwanted thoughts destroy my mood.
I gave him a smile before nodding my head.
I just chose to stan harder.