Chapter 6

1012 Words
Akin "Ang galing mo talaga nung friday, di ako makaget-over!" Frantic na nagsasalita si Macy habang nandito kami ngayon sa corridor at naka-upo sa may balcony ng palapag. Bawal pero wala pa namang prof kaya pumuslit muna kami. "First time kita marinig mag-salita nang ganon! Para kang inspired na ewan," I chuckled. "Inspired naman talaga 'ko.." Nanlaki ang mata niya. "Hoy?!" Tinignan ko siya nang natatawa.  "Baket?" maang-maangan na halakhak ko. "May love life ka na agad?! Bat di ka nagkukwento?!" I shook my head while laughing. "Crush pa lang naman," She hit my arm. "Langya ka kaya pala! Halos maiyak pa naman ako sa testimony mo tas yun pala iniisip mo lang naman yung crush mo nung mga oras na yun!" "Hoy," natatawang saway ko sa kanya. "Seryoso naman yung mga sinabi ko non. Touching talaga yung kwento ng mga pinagdaanan ko," She eyed me suspiciously before she shrugged. "Pero alam mo tama lang naman yan. Humarot na tayo habang first year pa kasi pag-upper na tayo baka hindi na natin masingit yan sa busy sched natin!" I raised my brow meaningfully. "Pwera na lang kung student pilot din naman siya tas kaklase ko pa.." Nalaglag ang panga niya bago ako pinaghahampas. "Haliparot kang babae ka!" Tawa pa ko nang tawa nang matanaw na may pumasok na sa classroom nila Macy. Agad kaming bumaba mula sa pagkakaupo. "Punta ko sa inyo mamaya ah?" paalala niya. "Sus gusto mo lang masilayan na naman si Jaron eh," tukoy ko sa ka-boarding house ko. She crossed her arms. "Baket ikaw lang pwede lumandi?" I chuckled. "Wala yun dun mamaya, may trabaho siya pag-ganitong araw. Working student kaya yun," Nanlaki ang mata niya. "Di nga?" Kung hindi ko pa siya tinulak at pinilit na pumasok na sa room nila ay ayaw niya pa sanang magpa-awat sa pagtatanong. Napailing-iling ako habang naglalakad na papunta rin sa classroom namin. Same floor kami at ilang silid lang ang pagitan. Hindi nagtagal ay nakarating na ako roon at gaya ng inaaasahan ay wala pa rin ang prof namin para sa isang GE elective subject. Madalas talaga siyang late ng 10-15 minutes kaya't medyo sanay na kami. Umupo na lang muna ko sa upuan ko at pinanood ang paglalaro ni Yael sa cellphone niya. Matapos ang ilang saglit ay dumating na rin naman ang guro. Nilabas ko ang notebook para makapag-take down ng notes sa discussion. Normal na lecture lang naman ang panimula niya tulad ng madalas. Sa dulo nga lang tuwing bago matapos ang meeting ay nagtatawag ng isa si Ma'am para sumagot ng isang tanong tungkol sa lesson. Dun niya raw maa-asses kung talagang nakinig kami at naintindihan namin ang lesson. Nang ilabas at balasahin niya na ang index cards ay alam na namin ang susunod na mangyayari. Napaayos ng upo ang marami at may nakita pa kong pasimpleng nag-sign of the cross. "At ang maswerteng magrerecite ngayon ay walang iba kung hindi si..."  Pa-suspense na pinutol pa ni Ma'am Furgoso ang sasabihin habang nakapikit na bumunot ng isang index card. Dinilat niya ang mata.  "Oh.." madramang sabi niya at umangat ang tingin.  "Ms. Faustino," ngiti niya sakin. Dinig ko ang pagbunga ng hinga ng iba dahil sa ginhawa at ang ilan pa'y nanghihinang napasandal sa upuan. Tahimik na tumayo ako at lumakad papunta sa harap. "Pick an envelope," sabi niya at nilahad ang mga mahiwaga niyang props. Ma-effort si Ma'am Furgoso at laging may ganitong pakulo sa klase. Sa loob pa ng iba't-ibang kulay na sobre makikita ang tanong. Ang sistema niya pa'y pag nakasagot ka nang tama ay makakatanggap ka ng prize. Kumuha ako ng isang sobre sa mga hawak niya at binuksan iyon. Dinukot ko ang papel sa loob at binasa ang tanong. "It examines the presuppositions, meanings, and justifications of ethical concepts and principles." Sakto lang ang lakas ng pagbigkas ko para marinig din ng mga kaklase. Kumabog ang dibdib ko habang iniisip ang tamang sagot. Inangat ko ang tingin at naabutang nakataas ang isang kilay sakin ni Ma'am habang nakangiti. "Meta-ethics," I said. Her smile grew wider.  "Correct!" I sighed in relief. I heard a few claps from my classmates.  Ma'am Furgoso turned her back on me to get something. She then faced me with quite a huge chocolate bar. "Here's your prize."  Ngumiti rin ako nang tanggapin iyon. "Thank you po." Sa pagpihit ng paa ko ay kusang dumapo ang tingin ko kay Spencer. Tahimik na nakatingin ito sa labas habang magka-krus ang braso sa dibdib. I smiled inwardly as an idea suddenly popped on my head. Hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa at tinahak ang kabilang dako ng silid. I can feel the curious stares of my classmates following me. Spencer remained oblivous and unbothered though. Nanatili pa rin siyang nakatingin sa labas hanggang himinto na ako sa harap niya. Saka lang pumihit ang ulo niya paharap sa akin. I handed him the chocolate bar. My classmates cheered in unison. I even heared Ma'am Furgoso joining them. "For you." I smiled. I heared some of the girls snickering though. "Luh." my classmate Charm murmured. Spencer's eyes darted to the chocolate bar I'm holding. His forehead slowly creased while looking at it. He then turned his gaze upward to meet my stare. "Why are you giving me that?" he asked with honest curiosity.  Napakurap ako. I suddenly felt on the edge by his blunt question.  I just thought... he would accept it without asking because.. I assumed we had formed some sort of connection from last time? Am I wrong? Lumunok ako.  "Gusto ko lang ibigay sayo.." I said while forcing a smile. His brows furrowed in pure confusion. He looks sincerely disoriented. His gaze fell to the chocolate bar with nothing but puzzlement. "Ayoko," he then said before looking back at me again. "Sa iba mo na lang ibigay." he nonchalantly added. He then returned his gaze outside without throwing me another look. My lips parted. I can hear my classmates' sneers but I was too preoccupied analysing his reaction. Nabitin sa ere ang nakalahad kong kamay. It doesn't look like he intended to reject nor humiliate me. It was as if he just gave me an.. outright remark. My forehead knotted in wonderment. I was brought back from daze when a hand suddenly grabbed the chocolate bar. Lumipad ang tingin ko kay Zaid na walang sabi-sabing binuksan iyon. He grinned. "Akin na lang ah?"  Walang anu-ano'y nilapit niya iyon sa bibig niya at kinagatan. Nalaglag ang panga ko. Tinignan ko siya nang masama ngunit binigyan niya lang ako ng nakakalokong ngisi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD