Dry run Tuwing bakasyon talaga ay parang lumilipad ang oras. Mabilis na lumipas ang isang linggong walang pasok at tila hindi ko man lang iyon namalayan. Lunes na naman ngayon at unang araw na rin ng pagbabalik eskwela matapos ang sembreak. Kakaupo ko pa lang sa upuan ko nang mapanganga ako sa nakitang bagong pumasok sa pinto. Agad na nahanap ng mata niya ang tingin ko atsaka mabilis na sumilay ang ngisi sa labi niya. He looks so... fresh. Hindi ko alam kung ba't ganun ang tingin ko sa kanya ngayon, gayong wala namang nabago sa itsura. What's with today that he suddenly looks like some sort of a star candy to my eyes?! "Ba't ang aga mo?" halos pasigaw na tanong ko habang naglalakad pa lang siya. Buti na lang ay kokonti pa lang naman ang tao sa classroom at sanay naman ang mga kak

