Look after Zaiden Pierce: Dito na ko Nang makita ang pumasok na mensahe sa phone ay sinukbit ko na ang bag ko. Siniguro ko munang kumpleto ang mga gamit na kailangan kong iuwi at walang nakalimutan bago lumabas. Pagbaba ko sa hagdan ay naabutan ko pa si Jaron na nagsisintas ng sapatos sa may sala. "Uwi ka na rin?" tanong ko. Nilapag ko muna ang mga bitbit para uminom ng tubig. Habang nagbubukas ako ng ref ay narinig ko ang sagot niya. "Oo, ikaw rin ba?" Tinaas ko ang dalawang kilay sa kanya habang nainom ng tubig. "Oo," sabi ko nang mailapag ang baso. Nang balikan ko ang mga iniwang gamit ay saktong tumayo na rin siya. Marahil dahil uuwi ay talagang mababakas ang galak at pagkasabik sa mukha niya. Napangisi ako. "Nakaka-excite umuwi no?" Tumango siya. "Miss ko na pamilya ko,"

