Okay "Sa condiments section muna tayo," aya ni Zaid. Nandito kami ngayon sa supermarket. Kakatapos lang ng klase at dito muna kami dumiretso para bumili ng mga ingredients at supplies niya. Hindi tulad ng ibang nakakasalubong namin na lalaki ang nagtutulak ng push cart habang babae ang kumukuha ng mga bilihin ay baliktad naman kami. I was the one pushing the cart while he was the one checking the items. Nagkasundo kami roon dahil siya naman ang mas nakakaalam ng mga kailangan. I'm so glad he wasn't one of those guys who would enforce toxic masculinity even on little things like this. "Ayaw mo sa meat section muna?" suhestiyon ko dahil yun naman ang malapit sa amin at tiyak na unang madadaanan. "No, Ellie. That would compromise the freshness of the meat." he strictly stated. I pucker

