Flower Crown Hinila ako ni Pempem patungo sa mga nagtitinda ng mga damit. Ang weird kasi nagdadala siya ng basket. “Mamaya na lang ako mamimili ng gulay,” aniya at hinila ako papasok sa loob. “Sa ngayon, mag-enjoy muna tayo, grabe! Ang daming stocks ng ukay-ukay!” Ngumiti ako at nilingon si Brent na nakatingin lang sa amin habang nakahalukipkip. Hindi siguro siya sanay sa ganitong lugar. Kinagat ko ang labi ko at nag-iwas na ng tingin. Kahit namuhay ako sa magandang bahay, masarap na pagkain at magandang damit, alam ko naman kung ano ang ukay-ukay. Palagi kong naririnig ang ukay-ukay sa mga kaklase ko rati. “Tch! Sureness ako na hindi ka pa naka-try magsuot ng ukay-ukay,” sambit niya at binitiwan ako. Nagpunta kami sa dulo at pinagmasdan ko lang siya habang masayang namimili. Ang sara

