Sorry Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Masyado na akong nahihiya sa ginawa ko. Naramdaman ko na inilapag niya ako sa malambot na kama sa kwarto niya mismo. “I’m sorry, dito ka muna sa kwarto ko. Kailangan pang palitan ang bed sheet,” mahina niyang sinabi at ngulat ako nang hinubad niya ang sapatos ko. Wala na akong narinig mula sa kanya kaya akala ko ay iniwan na niya akong mag-isa, pero nagulat na lang ako nang bigla siyang sumulpot sa gilid ko na may dalang palanggana. Nag-squat siya sa harapan ko at inilapit sa akin ang palanggana. “Vomit,” utos niya at tumalikod sa akin. Kinuha ko ang palanggana mula sa kanya at sinubukan na sumuka pero walang lumalabas. Napaupo na lang ako sa kama na hingal na hingal. Pumikit ako at napalunok. “Hindi ako nasusuka. Narinig ko an

