Drunk Naisipan ko na lang na maglakad-lakad sa buhangin. Hindi ko kasi alam kung ano ang ikinagalit ni Brent. Siguro ay may problema siya na hindi ko alam. Pinatid ko ang maliit na bato na dinaraanan ko. Ang aking kamay ay nasa likuran ko habang nakayukong naglalakad. Natigilan lang ako sa paglalakad at napaangat ng tingin nang marinig ko ang malakas na tawanan ng mga babae. Umawang ang labi ko nang makita ko na naman ang tatlong magkakapatid. “Nandito na naman…” Nanlaki ang mata ko sa narinig. Akmang magsasalita na sana ako nang biglang kumaway sa akin ang babae na siyang nakakilala sa akin na ako. Napalunok tuloy ako lalo na’t ngiting-ngiti siya habang nakatingin sa akin. “Hi, Louise!” Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa gulat. Ang kanyang isang kapatid ay inirapan lang ako at tu

