Hairpin Hindi ako makapaniwala na ibinigay ko ang tiwala ko kay Brent kahit hindi ko pa siya lubos na kilala. Bukod doon ay hindi niya rin ako pinapabayaan. “First time mo ‘to, Ma’am?” tanong sa akin ng parlorista habang nakatingin sa buhok ko. Nasa harap ako ngayon ng salamin. Nakita ko si Brent mula sa salamin na nakaupo sa may sofa habang binubuklat ang isang magazine. Natulala ako saglit sa klase ng kanyang pagbuklat pero natauhan ako nang kinalabit ako ng parlorista. Ipinilig ko ang ulo ko at ibinalik ang atensyon sa kanya. “Po?” Ngumiti sa akin ang parlorista at sinimulang suklayin ang buhok ko. “Mas bagay ang blonde sa ‘yo lalo na’t maputi ka. Tapos ‘yong hair naman ay mas bagay kung hanggang balikat. Magiging mas maganda kung lalagyan natin ng bangs ang buhok mo,” aniya pero

