Kabanata 7

1196 Words

Place Tatlong oras ang byahe patungong South. Ngayon ko lang na-realize nang makita ko ang sign board ng bawat lugar. Hindi rin ako pamilyar sa lugar dahil ito ang unang beses kong makapunta at makapag-travel ng ganito kalayo. “Manang Eula, na-contact mo na ba sila?” narinig kong tanong ni Brent kay Manang Eula na nasa likuran lang namin. “Tapos na, hijo! Mabuti at naroon sila kaya may oras pa silang tapusin ang ginagawa nila,” sagot ni Manang. Tumango si Brent at inilipat sa akin ang tingin. “Malapit na tayo. Nasa Badian na tayo. Umawang ang labi ko at binalingan siya. “Badian?” Tumango siya at umayos ng upo. “Yes, my place. Bumili kasi ako ng lupa roon, isang taon na ang nakalipas. Good thing dahil malapit lang sa dagat. Magiging mabuti rin ang pakiramdam mo.” Tumango na lamang ak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD