Revenge Isang linggo pa akong nag-stay sa condo unit ni Brent. Ang tanging kasama ko lang ay si Manang Eula na todo ang pag-asikaso sa akin. Hindi pa rin ako makagalaw dahil sa napuruhan ang braso at ulo ko. Minsan ay dinadalaw din ako ng doktor para tingnan ang kalagayan ko. “B-Babayaran ko na lang,” sambit ko agad nang makita ko kung ilan ang nagasto niya. Wala akong masyadong alam kay Brent bukod sa kaibigan siya rati ni Gregory. Kaya nahihiya na ako dahil naging pabigat na ako sa kanya. Ang dali kong magtiwala ‘no? Pinagkatiwalaan ko agad si Brent kahit hindi ko pa siya masyado kilala. Wala rin akong kasiguraduhan kung hindi niya nga ako isusumbong. Ito ang pinakaayaw ko sa sarili ko, ang dali kong magtiwala. Kung tatakasan ko siya at lumayo na lang para makasigurado, baka hindi p

