Chapter 2
Habang pauwi ako ay nasa isip ko pa rin ang lalaki na tumulong sakin. Hindi ko man lang nalaman kung anu ang pangalan niya. Nabalik lang ako sa ulirat ng biglang may umakbay sa akin. Nang tignan ko kong sino ay si Mark lang pala. Matalik ko din na kaibigan si Mark, since grade school ay magkaibigan na kami.
Napangiti na lang ako sa kanya dahil palagi niyang ginagawa ang pag-akbay sa akin.
"What's up! babe, how's your day?" tanong niya sakin habang may ngiti sa labi.
"I'm fine, don't worry, Mark." I said. "At pwede ba! Tanggalin mo nga yung kamay mo sa balikat ko! Chansing na yan, eh!" Natatawa kong biro sa kanya. Natatawa na lang siya sa sinabi ko. Nag kwentohan lang kami habang naglalakad pauwi. Sinamahan niya ako hanggang nakarating kami sa tapat ng bahay ko.
"Salamat sa paghatid, Mark. Pwede ka nang umuwi sa inyo. See you, around Mark." Pagpapaalam ko sa kanya. "Okay, Rhean, see you when I see you." he said. At tuluyan na siyang naglakad papalayo sa akin.
,___________________
Kinabukasan ay ganun pa rin ang ginawa ko pagkagising ko. Ang pagkakaiba lang ay mas maaga akong gumising dahil Lunes ngayon at may pasok pa ako. Nasa school na ako ngayon at nakikinig lang sa lecture ng Teacher namin. Third-year high school na kasi ako ngayon.
Habang nagtuturo ang Guro namin ay narinig ko ang dalawang kaklase ko na nasa likod ng inupuan ko.
"Alam mo na ba Mary na lilipat daw dito ang mga student ng satellite Extension ng school natin?"... Girl one.
"Oo, alam ko ang tungkol dyan. Kasi yung pinsan ko doon nag-aaral sa Satellite Extension ng school natin"... Girl two.
Parang nagka enteres ako sa mga pinag uusapan ng dalawang babae sa likuran ko. Kaya imbes na makinig sa Guro ay nakinig na lamang sa chismis ng dalawa.
"Bakit kaya mag tr-transfer ang mga estudyante ng Satellite Extension dito sa school namin?" tanong ko sa sarili ko.
Natapos ang buong araw ko sa pakikinig ng lecture ng Guro namin. More on lectures kami ngayon kasi malapit na ang exam.
_________
A week has passed and my studies went well. At kahit sa bahay ay nagkaroon ako ng peace of mind. Kasi sa buong linggo ko ay hindi na ako napagalitan pa.
Habang naglalakad ako papasok sa gate ng school namin ay napansin kong madaming tao sa Oval center ng school namin.
At napansin ko rin na karamihan sa kanila ay hindi ko namumukhaan. Kaya pinagsawalang bahala ko na lang ang mga ito at dumiritso na sa first-class ko.
Nang makapasok na ako sa room ko ay napansin ko rin na may mga bagong estudyante na nandito sa loob.
Nagtaka naman ako kung bakit biglang dumami kami dito sa classroom, bigla kong naalala ang usap-usapan ng mga babae noong nakaraang linggo.
At nalaman ko rin na kaya pala sila nilipat dito sa school namin kasi kulang ang Teacher nila doon.
Third year to fourth year lang ang inilipat ng Satellite Extension, kasi yun lang ang walang guro. The rest have a teacher. Since wala pa ang teacher namin ay naisipan ko munang magreview. Baka kasi biglang mag bigay ng surprise quiz ang teacher namin.
Habang nagbabasa ako ng notes ko ay may umupo sa tabi ng
selya na kinaroroonan ko. Nagtaka naman ako dahil wala naman akong katabi dati dito.
Nang tingnan ko ito ay nagulat ako sa lalaking nakatitig pala sakin.
Moreno siya, sa tingin ko mga 6'0 plot ang height niya. Matangos ang ilong, kulay chocolate ang mga mata niya at manipis ang labi.
Namangha ako sa lalaking ito, ngayon ko lang ito nakita. "Siguro transferred rin ito galing satellite extension?" sabi ng isip ko.
Di ko namalayan na nakatitig lang pala ako sa kaharap ko. Natauhan lang ako ng magsalita ito.
"Hey! Miss! Are you okay?" Kanina ka pa kasi nakatitig lang sakin, eh! " Pukaw ng attention na saad niya sa akin.
"Ah! eh! Y-Yes! I'm okay, don't worry." I stuttered and gave him a forced smile.
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil hindi ako mapakali. Siguro ay dahil ngayon lang may kumausap sakin na lalaki simula ng mapapasukan.
Umayos ako ng upo at ipapagpatuloy na sana ang binabasa ko ng magsalita ulit ang lalaki.
"Oh! By the way, I'm Bryan Legaspi. Nice to meet you, Miss!" he said.
Pagpapakilala niya sakin at ilahad ang kamay niya. Tinitigan ko muna ito pero kalaunan ay kinamayan ko na rin ito at nagpakilala ako sa kanya.
"I'm Rhean Mendez, nice to meet you too." I said, and we shook hands.
Hindi nagtagal ay dumating na ang teacher namin. At sinabi rin ni ma'am na simula ngayon dito na mag-aaral ang mga student ng Satellite Extension. Isa-isa rin silang nagpakilala.
Pagkatapos ng klase namin at break time na. Nagbaon lang ako kasi wala naman akong pambili ng pagkain sa Canteen. Naglakad na ako papuntang likod ng classroom namin. Dumiritso ako sa lugar kong saan madalas kong pag tambayan pag vacant subject ko. Dito ako madalas kumakain sa ilalim ng malaking puno sa likod ng classroom.
Inilabas ko na ang baon ko at sisimulan ko na sana ang kumain ng biglang may nagsalita hindi kalayuan sakin.
"Can I join you? Miss Rhean!" the man said.
Nabaling naman ang paningin ko sa kanya ng marinig ko ito. At nabitin sa ere ang kamay ko habang nakanganga pa ang bibig ko.
Ng ma-realize ko ang itsura ko ay mabilis pa sa alas kwatro kong ibinaba ang kamay ko at itikom ang bibig ko. Nahiya naman ako sa lalaking kaharap ko. Walang iba kundi si Bryan Legaspi lang naman...
Nakatulala pa rin ako sa kanya. Nabigla lang siguro ako sa biglang pagsulpot niya. Natauhan lang ako ng magsalita ulit si Bryan.
"Can I?" he said. Tumikhim muna ako bago mag salita. "Ahm, y-yes! you can!" Nauutal kong sagot sa kanya.
Ngumiti naman siya sakin at umupo na kaharap ko. Tanging sanga lang ng punong kahoy na ito ang inuupuan namin ni Bryan.
Habang kumakain ako ay hindi ko maiwasang isipin kung bakit siya nandito at hindi sa Canteen kumakain?
Iwinaglit ko na lang ang mga isiping yun, at nag focus na lang sa pagkain ko. Wala kaming imikan hanggang matapos na kaming kumain. Niligpit ko na ang baonan ko. Ng matapos na ako ay napatingin ako sa kanya, tapos narin niyang itago ang lunchbox niya. At nakatitig pala ito sa akin.
Parang may gusto siyang sabihin sakin pero hindi niya masabi. Ang awkward naman ng situation namin. Wala ni isa sa amin ang may balak na magsalita.
Kaya para mawala ang awkwardness ko ay kinuha ko na lang ang pocketbook ko at nagbabasa na lang ako. Tutal naman hindi kami nag-uusap.
Sinimulan ko nang buklatin ito at tinungo kong saan ako nahinto sa pagbabasa kahapon. Habang nagbabasa na ako ay doon ko pa lang siya narinig na magsalita.
" Mahilig ka pa lang magbasa ng pocketbooks " he said.
Napatingin ako sa kanya at nginitian siya sabay tango bilang sagot ko. Ipinagpatuloy ko na ulit ang pagbabasa hanggang sa tumunog ang bell.
Tiniklop ko na ang pocketbook ko at ibinalik ito sa bag ko. Niyaya na akong umalis ni Bryan para pumasok sa next subject namin. Kaya tumayo na ako at sabay kami na naglalakad papunta sa next subject namin...