bc

MY OBSESSION

book_age18+
50
FOLLOW
1K
READ
dare to love and hate
student
drama
tragedy
no-couple
serious
scary
realistic earth
first love
like
intro-logo
Blurb

Kulang ako sa pag mamahal ng Pamilya. Ni minsan di ko naramdaman na mahal ako ng Family ko.

" I'm craving to be loved, "

Gusto kong maranasan na mahalin din ako kahit kunting oras lang ang ibigay. "Pero, sadyang madamot ang Panahon, dahl hanggang sa makatungtong ako ng high school, ganun parin ang trato nila sakin.

" Not until, Lyrico Valdez came to my life. "

Sa unang pag kakakita ko palang sa Kanya ay, na love at first sight na ako sa lalaki.

" His black missy hair, ocean blue eyes, pointed nose, and his lovable lips. "

" Di ko alam na ma in love ako agad sa edad na 17 years old. " Habang si Lyrico ay 25 years old, "parang pangarap lang na mag kakagusto rin sakin si Lyrico, dahil sa agwat ng edad namin. "

" Pero," nang effort ko ay di nasayang, dahil napansin din niya ako, at naging mag kaibigan hanggang sa malaman nya na mahal ko siya.

Alam ko na mali ang mahalin siya, dahil my girlfriend na ito. Nasasaktan ako, pag nakikita ko sila, pero tiniis ko ang sakit para lang palagi ko siyang maka kasama.

" But, time comes, he discovered my feelings towards him, and every thing has change. He became rude at me, iniwasan na niya ako.

Dahil sa nasaktan ako, ibinaling ko sa iba't ibang lalaki ang feelings ko, " pero, di parin siya mawala sa puso't isip ko. "

" Sadiya nga bang di kami para sa isa't isa? Darating pa ba ang panahon na sana ako nalang ang mahalin niya."

" Dahil, kahit anong gawin ko, si Lyrico Valdez, parin ang nilalaman ng puso ko... "

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Katatapos lang ng klase ko at ngayon ay pauwi na ako. Naglakad lang ako pauwi kasi hindi naman kalayuan ang bahay namin sa school. Pagdating ko sa bahay ay agad akong nagbihis at pumanhik sa kusina para magsaing at maghugas ng pinggan at maglinis na rin ng bahay. 'Yan ang palagi kong gawain bago at pagkatapos ko sa school. Anim kaming magkakapatid, dalawang lalaki at apat kaming babae. Pero sa bahay namin ako palagi ang umintindi sa kanila. Kahit na palagi nila akong sinusungitan at pinapagalitan ng hindi ko alam ang dahilan. Nang matapos ko na ang ginagawa ko ay nagpasya akong magbasa ng Libro para malibang ako, tutal tapos na ako sa gawaing bahay. Kinuha ko ang favorite book ko na tungkol sa love story. At umakyat ako sa puno ng mangga dahil ito ang favorite place ko sa pagbabasa. Nang maakyat ko ang puno ng mangga ay sinimulan ko na ang pagbabasa. Nasa kalagitnaan na ako sa pagbabasa ng pocketbook na binabasa ko ng biglang sumigaw si Ate Marga. "Rheaaaaan!!! Asan ka bang babae ka?" sigaw ni Ate Marga sa akin. Kinabahan na naman ako dahil nagagalit na naman si Ate. Hindi ko alam kong may nagawa na naman ba akong mali at nagkakaganyan na naman siya. Dali-dali kong tiniklop ang pocketbook at inipit sa likod ng short ko para hindi makita ni Ate dahil ayaw nilang may pinagkakaabalahan akong iba maliban sa gawaing bahay. Nagmadali akong bumaba sa puno ng mangga. Dahil sa kaba ko at takot ay hindi ko napansin na hindi ako nakakapit sa isang sanga at nahulog ako. "Ahhhhh!!! " sigaw ko ng mahulog ako sa puno ng mangga. "Aray! ang sakit ng pwet at balakang ko! Anu ba naman na buhay ito, oh! Lapitin yata ako ng malas ngayong araw!" Kausap ko sa sarili. Natagalan ako bago makatayo dahil medyo mataas ang pinag bagsakan ko. Narinig ko na naman si Ate na galit na galit at sumisigaw. "Punyemas ka ng babae ka ha!! Ako ba ay ginagalit mo, huh! Bakit hindi mo nilinis ang kwarto ko ha? Diba sabi ko sayo na linisin mo yun! Bakit hindi mo ginawa, ha!!" Sigaw na sabi ni Ate Marga sa akin ng magkalapit na siya sa kinaroroonan ko. Nang hindi pa ako kumibo ay bigla na lang akong sinampal ni Ate Marga sa magkabilang pisngi. Biglang na blanko ang pag-iisip ko dahil sa ginawa ni Ate. Hindi ko malaman kung ano ba ako sa kanila at kailangang ganito ang trato nila sa akin. Walang araw na hindi ako nakakaranas ng ganitong eksena. Dahil sa pagkatulala ko sa mag-asawang sampal na binigay ni Ate Marga ay hindi ko namalayan na umalis na pala siya sa harapan ko. Umiyak lang ako ng umiyak, nang magsawa na ako sa kakaiyak ay tumayo ako at naglakad-lakad. Hindi ko namalayan na dinala ako ng mga paa ko sa isang park. Madilim na pero mas mabuti kung dito muna ako sa park para makapag isip-isip. Habang nagmumuni-muni ako ay may nahagip ang paningin ko. Isang lalaki na matangkad, naka army cut ang buhok nito. Moreno at matangos din ang ilong. Sinundan ko ng tingin ang lalaki at ng huminto ito ay biglang nabaling ang tingin niya sa diriksyon ko. Hindi ko malaman kung sa akin ba nakatingin ang lalaki. Feeling ko huminto saglit ang mundo ko ng humarap siya sa gawi ko na nakangiti. "His smile brings to me the feeling of being loved, the way he talks to his friends makes me feel that I can also be happy despite being miserable." Kailan kaya ako makakaramdam ng pagmamahal? May pag-asa pa kayang maranasan ko na mahalin kahit pakitang tao lang?".... I whispered in the air. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatulala. Natauhan lang ako ng may nagsalita sa gilid ko. "Hoy! Bruha! Nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap, nagpunta ako sa bahay niyo pero wala ka dun." wika ng kaibigan ko. "Anu ba ang nangyari sa iyo mars at dito ka napadpad?" tanong ni Anne sa akin. Si Anne ang cousin ko s***h best friend din. Siya lang ang bukod tanging nagmamalasakit sa akin. Alam niya din kong anu ang kalagayan ko. Sinikap kong ngumiti sa kanya para hindi na siya mag-alala sa akin at sinabi kung ok lang ako. "Don't worry, Anne, I'm fine, Always fine." I said. Pagsisinungaling ko sa kanya dahil ang totoo ay nasasaktan ako. Minsan nga naisipan kong itanong sa kanila kong Anak o kapatid ba ako nila? Kasi hindi ko ma-feel na parte ako ng pamilyang iyon. "I'm always out of place for their attention for their love." Sa dami ng iniisip ko hindi ko napansin na kanina pa pala si Anne nagtatalak sa akin. Pero hindi ko lang napansin. "Anu ba naman 'yan, Rhean! Lutang ka na naman jan, eh! C'mon! from earth to Rhean! Wake up!! " Pag sesermon ni Anne sa akin. Napangiti na lang ako sa kanya. Masaya ako na siya ang naging best friend s***h cousin ko. Dahil may malasakit siya sakin, kaysa sa family ko na hindi ko maramdaman ang pagmamahal sa piling niya... Nag kwentohan lang muna kami ni Anne dahil ayoko pang umuwi sa bahay. Gusto ko pag-uwi ko tulog na silang lahat. __________ Kinabukasan maaga akong nagising. Dahil as usual, marami pa akong gagawin dito sa bahay. Ayoko nang mapagalitan na naman nila. Bumangon ako sa higaan ko at ginawa ang morning rituals ko. Pagkatapos ay ginawa ko na ang gawaing bahay. Nang matapos na ako sa lahat ng Gawain ko, ay naliligo na ako at nag bihis. Nakasuot lang ako ng feated black jeans, at plain blue V-neck t-shirt. Balak kong mag Simba ngayon. 'Cause, it's Sunday today, and I'm ready to go now. ________ Andito na ako sa simbahan, nakinig lang ako kay Father sa buong duration ng Mesa. Nang matapos na ang Mesa ay lumabas na ako. Habang naglalakad ako ay hindi ko napansin ang bato na nasa daan at naapakan ko ito. Natisod ako at alam kong matutumba na ako. Kaya inihanda ko na ang sarili ko sa pag bagsak ko. Pero hindi ko naramdaman ang sahig. Naramdaman kong matigas na bagay sa likod ko. minulat ko ang mata ko at nasilayan ko ang isang gwapong lalaki na nakahawak ang isang kamay sa bewang ko. At ang isa ay nasa likod ko. " Are you okay, Miss? " tanong ng lalaki sa akin. Agad naman akong tumuwid ng tayo at hinarap ang lalaki. "I-I'm o-okay, thank you, Mister. Salamat at nasalo mo ako, akala ko ay sa sahig na ang bagsak ko." " Thanks to you, " I said. Pagpapasalamat ko sa kanya. Nginitian lang niya ako at sinabing... " Next time, be careful, okay! " Saad ng lalaki sa akin. Pinagmamasdan ko lang siya, dahil parang familiar siya sakin. "Saan ko ba nakita itong lalaking ito? " kausap ko sa sarili ko. And as a cue, naalala ko siya. Siya yong nakita ko sa park kagabi. Biglang bumilis ang t***k ng Puso ko. "There's something on him that made me feel this way. Pero hindi ko matukoy kung ano ito." Hindi ko namalayan na wala na pala siya sa tabi ko, nakita ko na lang siya na naglalakad palayo sa akin. Tanging likod na lang niya ang aking nakita. Napangiti na lang ako sa kawalan. " Can I see him again? " I whispered in the air...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook