BREIGH’s POV Pabagsak lang akong nahiga sa kama ko matapos umalis ni Gaylord dito sa bahay. Halos kalahating araw lang kami na nasa game room at kung ano ano lang ang ginagawa. Sinusubukan ko naman na mag focus sa mga ginagawa naming dalawa pero hindi ko kaya. Hindi ko pa rin maiwasan na hindi siya isipin. Na hindi isipin ang kung ano man ang naging resulta nang pag uusap nami n. May mga tanong ako sa isip ko ngayon. Kung sakaling ngayon pa lang kami mag uusap ni Castiel-- ganon din kaya ang aking magiging desisyon? I mean, punong-puno pa kasi ako nang emosyon nang mga oras na yun kaya ko siguro nasabi yun. Magbabago pa kaya ang mga sasabihin ko sa kanya? Hayys. Hindi ko na alam. Napa hawak na lang ako sa may chest part ko nang maramdaman ko na naman ang paninikip noon kaya naman

