LEE's POV Halos late na akong nakatulog kagabi sa sobrang pag iisip kay Mama matapos nang mga sinabi ni Ellaine sa akin. Gustuhin mo man na tawagan siya kagabi ay hindi ko magawa dahil ayoko namang ma istorbo ko siya sa pag papahinga niya lalo na at late na rin ng mga oras na yun kaya naman ngayon ko na lang siya tatawagan. Hindi ko kasi maiwasan na mag alala at isipin siya dahil sa mga nalaman ko. Ang daming tanong ngayon na tumatakbo sa isip ko na kahit isa ay wala akong makuhang kasagutan. Una, bakit kaya hinihingi ni Dad ang address ni Mama? Ano ang kailangan niya? May binabalak na naman ba siya? At para matapos na ang pag iisip ko kaya naman mabilis ko nang kinuha ang phone ko sa may study table ko ay dinial ko na ang number ni Mama. I mean ang number pala ng asawa niya

