(Arthur's POV) Napatitig ako kay Neena na sa isang iglap lang ay nakatulog na agad sa sofa. Ni wala siyang pakialam kung halos nakikita na ang singit niya sa suot niya at halos lumabas na ang n*****s niya sa dress niya. Natutuwa pa nga yata siya kapag marami ang mga lalaking tumitingin at naglalaway sa katawan niya. Wala namang kaso kung dito muna siya magtatago ng ilang araw. Ako lang naman ang nakatira sa malaking bahay na ito ng Tito ko. Nasa paligid din pala ang mga tauhan ko pero sa barracks sila nakatira na nasa likod ng bahay na ito. Ang problema ko ngayon ay ang putang-inang William na iyon na simula't sapul ay hadlang sa mga plano ko! Kundi dahil sa kanya ay matagal na sana akong nagpapakasasa sa mahal kong babae. Kaya dapat na talagang mawala siya sa landas ko, o kung hindi m

