(Neena's POV) Kaagad kong pinutol ang tawag dahil nakuha ko na ang punto ni William. No! It cannot be! Hindi niya puwedeng malaman ang katotohanan! Hindi puwedeng malaman ng fans ko at ng lahat ng tao ang katotohanan! Hindi ko pa nga nagagawa ang plano kong acting kapag ipapaalam ko na sa publiko ang tungkol pagbubuntis ko ay nalaman na agad ni William ang totoo?! Damn! How can I ever fix this mess?! Kailangan kong humingi ng tulong para malusutan ang problemang ito. Pero kanino? May ilan na ring nakakaalam na buntis ako at halos lahat sila ay iniiwasan na ako. f**k them. Nasarapan naman sila sa akin tapos basta na lang nila akong tatalikuran porket buntis na ako. Hindi ko naman sa kanila ipapaako ang lintik na batang ito! Ipapalaglag ko na sana ito kaso ay nagkataon na may paparazzi a

