(Clarisse's POV) "N-Nahuli na siya, 'di ba? Nahuli na nila si Arthur?" may panginginig sa boses na tanong ko kay William habang sabay naming pinapanuod ang mga kaganapan sa lugar na pinagdalhan kay Kitty bilang ako. At kani-kanina lang nga ay nakita namin sa monitor ng laptop kung paano natamaan ng mabilis na suntok si Arthur kasunod ang isang malakas na sipa sa mukha, na siyang ikinatumba nito sa sahig at siyang naging dahilan din ng pagkawala nito ng malay. Ngayon ay nakikita na namin siyang nakaposas habang bitbit nina Viper at tulog na tulog pa rin. Wala siyang kamalay-malay na paggising niya ay wala na siya sa kumportable niyang pinagtataguan, at sisingilin na siya sa mga kasalanan niya. Hindi ko alam kung may mga pulis na kasama sina Viper sa paghuli kay Arthur, lalo na at magaga

