(Third Person POV) Mahigit isang oras ang naging biyahe bago tumigil ang kotseng kinalululanan ni Kitty bilang si Clarisse. Iginiya siya ng isa sa mga lalaki na bumaba ng kotse at inakay siya nito para maglakad, hanggang sa umakyat sila sa hagdan na may sampung baitang at kumanan, pagkatapos ay may bumukas na pinto at bahagya siyang itinulak papasok. Lahat ng iyon, lahat ng nadaanan nila kahit hindi niya nakita ay nakita at napanuod ng mga kasamahan niya, pati na rin nina William at Clarisse na nasa loob na ng isang kuwarto sa Destiny Hotel at nanunuod sa lahat ng nangyayari sa kanya. "Boss, nandito na ang pinakahihintay mo." Narinig ni Kitty na sabi ng lalaking nagdala sa kanya sa kuwartong iyon. Walang duda, nasa paligid na niya si Arthur, ang isa sa mga taong halang ang kaluluwa na

