(Clarisse's POV) "Thank you darling for giving me another chance. Promise, aayusin ko agad ang gusot ko kay Neena as soon as possible. Wala naman talaga akong interes magkagirlfriend noon. Ngayon lang... At ikaw lang ang gusto kong maging girlfriend. Ikaw din ang gusto kong maging—" "Ayusin mo na muna ang gulo mo kay Neena para wala tayong problema." Putol ko sa sasabihin pa niya. Mukha kasing mahaba-haba pa ang linyahan niya. Para na siyang nagnonobela niyan eh tinatamad na akong makinig kapag masyadong mahaba ang kailangan kong pakinggan. Nandito na rin kami sa loob ng kotse. Naka-on na ang makina nito at aircon. Kailangan na lang niyang paandarin ang sasakyan at nang maihatid na niya ako pauwi. Ewan ko ba kung bakit may plano pa yata siyang magdrama muna. Medyo na-stress din ako ka

