(Clarisse's POV) "Nagsisisi na ako, darling... Nagsisisi na ako sa lahat! 'Wag mo akong iiwan, please... I'm telling the truth... Kasunduan lang ang relasyon namin ni Neena. It was just a deal!" Desperadong pakiusap ni William sa akin habang kapit na kapit siya sa mga binti ko na parang tuko. Nakasubsob din ang ulo niya sa likod ng mga tuhod ko at dinig ko ang pagsinghot niya. Umiiyak ba siya? Eh fuckboy naman siya! "Sinabi ko na sa iyo William na 'wag na 'wag mo akong lolokohin!" Sumbat ko sa kanya. Napairap pa ako at napa-cross arms. Hindi naman ako makawalk-out sa kanya dahil parang mga bakal ang braso niyang nakapaikot sa binti ko. Maging ang mga kamay niya ay parang naka-lock na sa tuhod ko. Leche siya! "Hindi naman kita niloloko, darling, I swear! Nakalimutan ko na nga ang tungk

