Nasa loob ng umaandar na bus sila Luis at Blue. Tama lang ang takbo ng bus na minamaneho ng bus driver at binabagtas ang daan. Parehas na nakatayo sila Luis at Blue. Nakahawak si Luis sa stainless pole habang sa hand grip naman si Blue. Okupado na ang lahat ng upuan sa loob ng bus kaya hindi na sila nakaupo pa. Papunta sila sa park kung sila mamamasyal. Tiningnan ni Luis si Blue na medyo malayo sa kanya. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. ‘Bakit ang seryoso naman nito?’ sa isip-isip niya. Seryoso kasi ang mukha ni Blue na nakatingin sa bintana. Pamaya-maya ay naisipan ni Luis na tawagin si Blue. “Pssst!” pagsipol ni Luis. Kumunot ang noo ni Blue at naalis ang tingin sa bintana. Lalo pang kumunot ang kanyang noo nang tingnan niya si Luis. “Okay ka lang?” pagtatanong ni Luis kay Blue.

