EPISODE 28

1943 Words

Sabay na naglalakad sa gitna ng park sina Luis at Blue. Nadadama ng kanilang balat ang malamig na simoy ng hangin. Naaamoy ng kanilang mga ilong ang preskong dulot nito na nagpapagaan sa kanilang pakiramdam. Naalis ang tingin ni Blue sa nilalakaran nila at tiningnan si Luis. Sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang gwapong mukha ng kasintahan. Bahagyang kumunot naman ang noo ni Luis. Naramdaman kasi niyang tinitingnan siya ni Blue. Tiningnan niya ang binata. Tumaas ang kilay niya nang makitang nakatingin ito sa kanya. “Bakit ka nakatingin diyan?” nagtatakang tanong ni Luis. Pamaya-maya ay umismid ito. “Siguro may iniisip ka na namang kalokohan diyan tungkol sa akin, ‘no?” patanong pa niyang sabi. Natawa si Blue. “Ikaw talaga,” wika ni Blue. Tumigil ito sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD