Anak, kung nababasa mo itong sulat ko marahil ay nasa biyahe na ako pabalik sa atin. Hindi na kita ginising para magpaalam dahil ang himbing ng tulog mo. Mag-ingat ka anak at regular mo akong kontakin, okay? I love you anak. - Mama Napangiti ako sa nabasa kong sulat sa sticky note na nakadikit sa pinto ng refrigerator ko. Tumingin ako sa dining table ko. May nakatakip na pagkain doon. Bago umalis si Mama ay pinagluto pa niya ako. How sweet. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayong umaga. Sa wakas, wala na akong itatago pa sa kanila. Ang hirap din kaya ng ganu’n. Nakaka-stress dahil sa kakaisip kung paano sasabihin ang katotohanan sa kanila at iniisip ko pa ang magiging reaksyon nila. Pero ngayon ay okay na. Muli kong idinikit sa pintuan ng refrigerator ang sticky note saka lumapit ako sa m

