THIRD PERSON Magkatabing nakaupo sa hagdan sa harapan ng faculty building ng accounting sila Monique at Blue. Nagulat na lamang si Blue na hinahanap pala siya ng ex-girlfriend ni Luis at gusto siyang makausap nito na pinagbigyan naman niya. Kanina pa sila tahimik. Wala pang nagsasalita sa kanila. Patingin-tingin lamang si Blue kay Monique na nakatingin naman sa mga estudyanteng dumadaan. Hanggang sa maisipan na ni Blue na magtanong. Baka kasi walang balak magsalita ni Monique, sayang sa oras niya. “Bakit mo ba ako gustong makausap?” pagtatanong na ni Blue na bumasag sa nakakabinging katahimikan sa pagitan nila ni Monique. Dahan-dahang tumingin si Monique kay Blue. Napangiti ito ng tipid. Iniwas din nito ang tingin kay Blue saka bumuntong-hininga nang malalim. “Tungkol sa nangyari nu’

