Mabagal na naglalakad si Hyde habang patingin-tingin siya sa paligid. Sumisilay ang maliliit na ngiti sa kanyang labi dahil sa ganda ng kanyang mga nakikita. Tila isa itong paraiso na hindi nage-exist sa totoong buhay. “Ang ganda dito,” namamanghang sambit ni Hyde. Maraming mga puno at halaman. Humahalimuyak ang bango ng mga bulaklak. Parang naglalaro ang mga paro-paro na lumilipad sa paligid. Patuloy lamang sa paglalakad si Hyde sa malawak na hardin. Dito siya dinala ng kanyang mga paa pagkatapos ng mahaba niyang paglalakad. Huminto sa paglalakad si Hyde. Tiningnan niya ang kanang balikat niya. Ngumiti ang labi niya nang makita ang isang paro-paro na dumapo. Pamaya-maya ay nakarinig si Hyde ng mga hakbang na parang papalapit sa kanya. Biglang umalis ang paro-paro sa balikat niya at

