Sa gitna ng malawak na hardin na nilalatagan ng kulay berdeng bermuda grass at napapalibutan ng mga puno, halaman at mga bulaklak, nagaganap ang isang pag-iisang dibdib ng dalawang taong wagas na nag-iibigan. Magkasabay na mabagal na naglalakad sila Luis at Blue sa aisle. Tumutugtog ang isang romantikong awitin na paborito nila. Hawak nila nang mahigpit ang kamay ng isa’t-isa Tinitingnan nila ang bawat isa. Kitang-kita sa mga kumikinang na mata ni Luis ang kaligayahan at gayundin ang nakikita sa mga mata ni Blue. Napaka-gwapo ni Luis sa araw na ito. Manipis lamang ang make-up na inilagay sa kanyang mukha. Pormal ang ayos ng kanyang buhok at mas lalong bumagay sa kanyang kagwapuhan ang kasuotan niya. Mas lalo pa siyang naging magandang lalaki dahil sa kanyang ibinibigay na ngiti sa lalaki

