Nakaupo si Blue sa isang sofa ng pa-dekwatro. Nakatingin lamang siya sa harapan kung saan matiyaga niyang hinihintay ang palabas ni Luis mula sa fitting room. Sumilay ang ngiti sa labi ni Blue. Bakas ang excitement sa kanyang mukha. In a few weeks, mangyayari na ang inaabangan nilang kasal na ngayon ay pinaghahandaan na nila. Nasa loob si Blue ng isang tindahan ng mga damit pang-kasal. Hinayaan ni Blue si Luis na pumili nang isusuot nito at titingnan niya kung maganda ang pipiliin nito. Pamaya-maya ay napatingin sa gilid si Blue kung saan naroon ang pintuan ng fitting room na bumukas. Mas lalo siyang na-excite na makita si Luis. Hanggang sa wakas ay makita ni Blue si Luis. Mabilis na tumayo si Blue mula sa inuupuan at tiningnan niya si Luis mula ulo hanggang paa. Natulala siya sa kanya

