Umuwi sa bahay si Luis. May bitbit siyang isang paper bag na naglalaman ng pagkain na binili niya sa isang restaurant. Ito ang pasalubong niya para kay Blue na naghihintay sa kanya. Pumasok si Luis sa loob ng bahay. Marahang sinipa nang kanang paa niya ang pintuan para maisarado ito. Inilibot niya ang loob ng bahay ngunit hindi niya nakita si Blue. Bahagyang kumunot ang noo niya. “Umalis ba siya?” pagtatanong ni Luis sa hangin. Tumingin si Luis sa sala. Sumilay ang ngiti sa labi niya nang makita ang paa ni Blue na nakalagpas at nakapatong sa sandalan ng sofa. Ipinatong na muna ni Luis sa mesa na malapit sa kanya ang dala niya saka siya naglakad palapit sa kinaroroonan ni Blue. Mas lalong napangiti si Luis nang makita si Blue na nakahiga sa sofa at mahimbing ang tulog. Mahina pa siyang

