Nasa loob ng banyo sila Luis at Blue. Kakatapos lamang nila sa kanilang mainit na pag-iisa at kasalukuyan silang nakatayo sa tapat ng shower na mahina ang tulo ng tubig dahil hininaan ito ni Luis at sila’y naliligo. Sarap na sarap si Luis at napapapikit pa ng mga mata habang dinadama ang pagkuskos ni Blue sa kanyang likod gamit ang bath sponge. Napapangiti naman si Blue na nasa likod ni Luis habang pinagsisilbihan niya ang kanyang prinsipe. “Diyan sa baba kuskusin mo pa,” utos ni Luis kay Blue. “Okay po,” magalang na wika ni Blue saka sinunod ang utos ni Luis sa kanya. Napangiti naman si Luis. Lumipas ang halos limang minuto at si Luis naman ang nasa likuran ni Blue at kinukuskos ang likod nito. Nakapikit ang mga mata ni Blue at halata sa kanyang mukha na nasasarapan sa ginagawang pag

