Nakatayo sa tapat ng bintana si Luis. Malayo ang tingin niya sa labas habang nakahalukipkip ang mga braso nito sa kanyang dibdib. Iniisip niya si Hyde at ang mga nasabi niya dito. Napabuntong-hininga siya ng malalim. “Sumobra ba ako?” mahinang tanong ni Luis sa hangin. Bahagyang nagbuga nang hininga si Luis. May pag-aalala man siyang nararamdaman pero sa tingin niya, tama lamang ang kanyang ginawa. ‘Ayaw kong maagaw ng iba ang akin kaya kailangan kong lumaban.’ Sinadya ni Luis na paringgan si Hyde. Childish man pakinggan pero naiinis kasi si Luis lalo na kung paano tingnan ni Hyde si Blue. Aminado si Luis na nagseselos siya ng dahil doon at wala naman siyang magawa para mapigilan ang sarili niya na maramdaman iyon. Nagmamahal siya kaya kaakibat ng nararamdaman niyang iyon ang selos.

