Matapos kumain ay nagpunta sa loob ng banyo si Hyde. Bahagya siyang nakayuko sa harapan ng sink at hawak niya ang harapang bahagi nito ng dalawa niyang kamay. Nakatitig ang mga mata niya sa salamin. May butil ng tubig sa mukha ni Hyde matapos niya itong hilamusan kanina. Tulala lamang siyang nakatingin sa salamin at malalim ang iniisip. Pamaya-maya ay may kalakasang nagbuga nang hininga si Hyde. Kumurba nang maikling ngiti ang kanyang labi. “Huwag na huwag ka nang maglalasing mag-isa, Hyde,” pagkausap ni Hyde sa sarili niyang repleksyon sa salamin. “Okay?” dagdag pa niyang sambit. Tumango-tango pa siya. Malalim na bumuntong-hininga si Hyde. Hindi niya akalain na mapupunta siya sa ganitong sitwasyon. Hindi niya akalain na muli niyang makakaharap si Luis. Naalala na naman ni Hyde ang un

