Dahan-dahang idinilat ni Hyde ang kanyang mga mata. Humikab din siya ng pagkalaki-laki. Ramdam ng katawan ni Hyde ang lambot ng kama na hinihigaan niya. Bahagyang kumunot ang noo ni Hyde. Pamaya-maya ay nakaramdam din siya ng p*******t ng ulo kaya muli siyang pumikit at hinilot niya ang magkabilang sentido niya. Hanggang sa tumigil si Hyde sa paghilot sa sentido niya. Muling idinilat ang mga mata saka inilibot ang mga mata sa paligid. Lalong kumunot ang noo ni Hyde at nagsalubong pa ang kilay niya dahil sa pagtataka. “Nasaan ako?” pagtatanong ni Hyde sa hangin. Sa itsura ng kwarto, sa tingin niya ay hindi ito isa sa mga kwarto ng hotel. Malinis, maayos at mabango naman pero kung ikukumpara sa mga kwarto sa hotel, mas maliit at simple ang kwartong ito kung nasaan siya ngayon. Dahan-dah

