EPISODE 14 (2)

1675 Words

“Anong nangyari dun sa audition mo? Ikaw na ba ang makakasama nila sa battle of the bands?” pagtatanong sa akin ni Jared. Nasa loob kami ng classroom at hinihintay dumating ang professor namin. Tumigil ako sa pagbabasa at tumingin kay Jared. Kahit si Mark ay nakatingin rin sa akin at halatang naghihintay ng sagot ko. Napangiti ako ng tipid. Mabagal akong umiling-iling. “Hindi ako ang napili,” sagot ko. “Ahhh... sabi ko na eh,” wika ni Jared na parang natutuwa pang hindi ako ang napili. “Grabe ka naman Jared! Para mo namang sinabi na hindi talaga magaling ang kaibigan natin,” sabat ni Mark saka mariing umiling-iling. “Siyempre iniisip ko rin ‘yung reyalidad. Hindi naman bihasa si Luis sa gitara kaya may tendency na hindi nga siya ang mapili,” paliwanag ni Jared. Eh di siya na ang base

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD