Mag-isa akong naglalakad sa hallway papunta sa restroom. Lumilipad din ang isip ko habang tinatahak ko ang daan papunta doon. Mahinang nagbuga ako ng hininga. Siguro nga tama si Jared, kailangan kong umamin sa mga magulang ko at magpaliwanag sa mga kakaibang nangyayari at pagbabago sa akin dahil karapatan nilang malaman iyon. Bahala na kung ano ang magiging response nila sa magiging pag-amin ko. Liliko na sana ako papunta sa banyo pero napahinto ako dahil mula sa dulo ng hallway, nakita kong nakatayo doon si Monique at diretsong nakatingin sa akin. Kaya pala wala na naman siya sa klase. Nakatingin lamang ako sa kanya. Mababakas sa kanyang mukha ang lungkot. Dati, ang ayoko sa lahat ay makita siyang malungkot. Nasasaktan din kasi ako kapag ganu’n pero ngayon… bumuntong-hininga na lamang

