"Tinawagan ko na si detective Guinto." sabi ni Gwen. "Interesado raw siya kung pano natagpuan yong bago kong kotse. May mga bago rin daw siyang nalalaman tungkol kay Kenny. Sabi pa nga niya na pupunta nalang daw ako sa opisina niya mamayang hapon." Napakunot-noo namang napatitig sa kanya si Russ, tas tumango ito. He also looked handsome in a pair of faded blue jeans and a matching jacket. Drop-dead gorgeous, actually, sa isip ni Gwen. Napukaw lamang ang kanyang pagmuni-muni nang magtanong si Corrie kay Russ. "Bakit kaya naisip nila na may kinalaman ka Russ sa pagkawala ni Kenny?" "Ewan ko." Nakagat naman ni Gwen ang kanyang pang ibabang labi, uncertain if she wanted to ask what had to be the next logical question. "Russ, sa tingin mo ba patay na kaya si Kenny?" "Hindi," walang pag-a

