Mahigit isang oras na nang makarating sina Russ at Gwen sa D Valle Hotel and Resort. Doon lamang naghintay si Russ sa opisina ng kanyang mommy hanggang sa dumating ang mga pulis na nagpatawag sa kanya. "Mr. Del Valle, ipakilala ko sayo ang aming imbestigador na si Inpector Loreno." anang police chief. "May mga ilang katanong siya sa inyo." "Sure, tungkol saan ba ang katanongan ninyo? Nakita na ba ninyo si Ken?" Pero sa halip na sagotin siya ng mga ito, binalik lamang nito ang tanong niya. "Kailangan pa ba namin siyang makita?" "Come on chief, wag niyong sabihin sakin na ako ang aarestuhin niyo." "Hindi. Pero kung ayaw mong tatanongin ka namin, pwede ka namang umalis." "I want to know what's going on." Ba't naman siya aalis? Hindi naman siya guilty, pero kasi sa klase ng pagtitig sa k

