Nang makabalik na sina Russ at Gwen sa syudad ay kaagad silang nagpunta sa estasyon ng pulis. Kanina sa byahe nila ay napag-isip ni Gwen na baka hindi nga kagustohan ni Kenny ang pagkawala nito. Ang nakitang dugo at bala sa kotse niya ay nangangahulugan lang na baka may tumangay nga kay Kenny. Nakipagkamay naman si detective Guinto kina Russ at Gwen nang salubongin niya ang dalawa papasok sa estasyon. "Bigatin na hitter itong asawa mo, Mrs. Andales. Si Thomas Walter at saka si Brent Carter ay nasa wanted list pala ng interpol dahil sa kasong bigamy, grand larceny, fraud and conspiracy to commit fraud. Nakulong na pala siya sa Guam ngunit tumakas ito kaya isa siyang fugitive. Ang modus niya ay pa iibigin ang isang babae at kapag mahulog na ang loob ng mga ito sa kanya, doon niya gagawin an

