"Ba't kanina ka pa hindi mapalagay diyan, Gwen?" Napapitlag siya nang biglang sumulpot si Corrie sa likuran niya. Hindi pa kasi dumadating si Russ, kahit kanina pa niya ito tinetext. For twenty-five minutes, pabalik-balik lang siya ng lakad sa sala ni Corrie habang naghihintay kay Russ. Matalim naman siyang tinitigan ni Corrie. "Ang ganda-ganda natin ata ngayon, may lakad ka?" Ginawaran lang niya ng ngiti ang kaibigan at pinagmasdan ulit ang sarili sa salamin. Nagandahan nga siya sa sarili niya ngayon. She barely recognized herself, pero gusto niya ang nakikita niya ngayon sa salamin. Sana lang magandahan rin sa kanya si Russ. "Pauunlakan mo ngayon ang interbyu ni Deserie, tama ba ako?" Sumulyap si Gwen ng huling beses sa salamin bago hinarap ang kaibigan. "I have to. Ito lang kasi ang

