Chapter 7

1634 Words
Dapat resonable ang paliwag niya, sabi ni Gwen sa sarili habang nakatingin siya sa gulat na mukha ni Russel. But explanations, reasonable or otherwise, eluded her completely. Ending up naked in a bed with her husband's bestfriend defied explanation. Hinay-hinay naman siyang dumistansya kay Russ at kumuha siya ng unan para ipantakip niya sa kanyang mukha dahil ayaw niyang makita ang hubad na katawan ng katabi. Kaya bumaba siya sa kama na nakatakip ang mukha sa unan at agad siyang dumiretso sa banyo. Siniguro niyang naka lock ito at napasandal siya sa pinto hawak-hawak ang dibdib. "Isang masamang bangungot lang ito." bulong niya sa sarili This had to be a nightmare - a reasonable enough explanation considering the champagne she'd indulged in last night. Siguro sa paglabas niya mula sa banyo, si Kenny pala talaga ang lalaking katabi niya. Si Kenny na asawa niya at mahal niya. Bigla namang nanlaki ang mga mata niya sa naiisip - na baka nag sleep walked siya at pumasok sa ibang kwarto. Naku! baka magising nalang si Kenny na wala ako sa tabi niya. Pero pano ba talaga ako napunta sa kwarto ng bestfriend niya? Sobrang nalilito na siya at sigurado siyang magkakasakit talaga siya. Hanggang sa narinig niya ang mahinang pagkatok. "Gwen? What's going on? Buksan mo itong pinto." Naku! Hindi pagmamay-ari ni Kenny ang boses na yon kundi kay Russel. "I'm in trouble here," tawag nito sa kanya. "Please buksan mo itong pinto." He was in trouble? As far as he was concerned, this situation held the potential for a funny story to tell all his friends. She, on the other hand, had awakened from a nightmare in another man's arm's bed and hadn't the faintest idea how to explain her near-adultery to her husband. "Gwen? Sweetie, sagotin mo naman ako oh. Okay ka lang diyan? Gwen!" Napahalukipkip naman si Gwen. "Please go away." sigaw niya mula sa loob. "Ayoko. Buksan mo muna itong pinto." At dahil wala talaga siyang choice kaya binuksan na lamang niya ang pintuan. She peered out, buti nalang at nakabalot ang lalaki sa kumot, doon pa talaga siya nakahinga ng maluwag. Russ held up a hand, na para itong nanunumpa. "I swear, hindi ko alam kung pano ako napunta rito. Nasaan ba si Kenny?" She opened the door wide to take a good look at the room. She recognized the honeymoon suite. Kwarto nga pala nila ito ni Kenny. "Nasaan si Kenny?" bungad nito sa kanya. Good question. She tiptoed out of the bathroom and turned on a nearby light. Hinanap kaagad ng mga mata niya si Kenny. Pero wala talaga ang asawa niya. Sa halip ay nakita niya ang kanyang luggage mula sa sulok, pero wala pa rin ang kay Kenny. Nag panic na siya, at parang hindi siya halos makahinga. "Gwen?" untag nito. "Are you okay?" "Nasaan ba ang asawa ko? Anong ginawa mo sa kanya?" "I didn't do anything." napapailing na sagot nito. "Get dressed and get out! Kung biro man ito, pwes hindi ito magandang biro!" "Pwede ba, tigilan mo na ang pagsisigaw sa akin." at napahilamos ito sa kanyang mukha. "Hindi ako makapag-isip." Napapitlag si Gwen at dumistanya kay Russ. "I don't want you to think. I want you out of here. Nasaan ba ang mga damit mo?" "Hindi ko alam. Pero kung gusto mo akong lumabas na nagkaganito lang, baka pag-usapan at pagtawan lang ako sa mga taong makakakita." Tumingin siya sa bintana. Sumikat na nga ang araw at maari ngang may makakita sa kanya pagkalabas nito na nakahubad lang. "Hindi mo alam kung nasaan ang mga damit mo? At hindi mo rin alam kung nasaan ang asawa ko?" "Hindi." Tagos sa buto naman ang klase ng pagkatitig sa kanya ni Russ. "There is a perfectly reasonable explanation for this." ika niya. "Ano?" "To start with, pano ka nakarating sa kwarto na to?" Lumingon naman si Russ sa may pintuan. "Ang naalala ko lang na may pumalo sa ulo ko bago ako nawalan ng malay." Pinakita naman niya kay Gwen ang bukol niya. "Hawakan mo nga itong parte sa ulo ko para maramdaman mo itong bukol ko." Tumalima si Gwen at hinawakan nga niya ang parte ng ulo nito na may bukol. "Do you think you have a concussion?" "Maybe, I don't know. Pakiramdam ko malakas yong pagkapalo sakin." Gwen sat on the edge of the bed, but away from him. Mapanganib kasi pag magkalapit sila. "Ang naalala ko rin kagabi na tinulongan ko si Stephen. I was playing valet and fetching cars for your guests." "Trinabaho mo yon?" "Oo, may natanggap nga akong malaking tip kagabi eh." pahayag pa nito at sumilay ang napakatamis na ngiti sa mga labi nito. "Anyway, yong huling bisita mo ay hating-gabi na umalis. Sisitahin ko nga sana siya pero ang bilis niyang nagpatakbo ng sasakyan. Ang sabi pa ni Stephen na nakita niya daw itong buhat-buhat ang malaking bagahe." "Bakit unusual ba ang ganon?" "Syempre! Wala pa kasi kaming nakitang guests dito na nag che-check out ng hating-gabi. Na intriga nga ako sa guest na yon eh. Kaduda-duda kasi." She made herself look closely at his face while he spoke. Pero wala pa rin sa sinasabi nito ang paliwanag kung nasaan na ngayon ang asawa niya. "Pero teka lang, kagabi pala nong papasok ako sa kwarto ko, may nakita akong isang lalaki na huminto sa paglalakad sa tapat ng kwarto niyo at pinasadahan ng tingin ang pintuan ninyo." "Pero hindi lang ako sigurado kung sino yon ha." he added quickly. "May pakiramdam lang kasi ako na..." "Na ano?" "Tawagin nalang natin na isang masamang pangitain." then he averted his gaze. "Nag-aalala ako para sayo, Gwen. Hindi kasi ganon kahigpit ang seguridad namin dito, lalo na't kulang kami sa mga security personnel ngayon. See, may nakapasok na ngang masasamang loob sa kwarto ko at pinalo ako sa ulo." Hindi nakapagreact si Gwen, duda kasi siya sa sinasabi ng lalaki. If he'd been struck hard enough to render him unconscious for hours then he would have a severe concussion. Yet at the moment he didn't display a single symptom of a head injury. "Hindi ka naniniwala sakin?" tanong naman ni Russ. "Nawawala ang asawa ko. Tapos ikaw ang naging katabi ko sa pagtulog. I'm sorry Russ, but your story has a few holes in it." "Nagsasabi ako ng totoo, Gwen." "Gaya ng kwento mo sakin before? Na may pinatay sa loob ng suite ko. Trip mo ba talagang akong biruin, huh?" She jumped to her feet and paced. "Ito ba ang klase ng mga jokes ninyo ni Kenny? At sa tingin ninyo nakakatuwa na kayo? Pwes, hindi ito magandang biro, Russ. Hindi." "Gwen, look at me. Nakita mo ba akong tumawa? Oo, palagi akong nag jo-joke, pero hindi ko gawain ang mag joke ng gaya nito." She paused in her pacing and stared miserably at the floor. "So nasaan na nga si Kenny?" "Hindi ko alam." anito saka ginulo ang buhok. "Tingnan mo ang buong kwarto, baka may ibinilin siyang note sayo." Naghanap na siya kanina, pero gagawin niya ulit yon. Ang ikinakatakot lang niya dahil wala rin pati ang mga kagamitan ni Kenny. "Mga nagnanakaw." sambit niya. "Kinuha ng mga magnanakaw ang mga kagamitan ni Kenny at baka..baka kinidnap rin nila si Kenny dahil alam nilang mayaman ito. I must call the police." "Mga magnanakaw?" he echoed. "Eh marami naman ditong mamahaling bagay na madaling manakaw kaysa asawa mo. Duda lang ako na baka si Kenny yong nakita ni Stephen na umalis sa hating-gabi at buhat-buhat ang malaking bagahe." "Are you saying he deserted me?" Nagbaba ito ng tingin sa kanya. "Hindi gagawin ni Kenny yon. Bagong kasal palang kami." then she rushed to the telephone. "Tatawag ako ng police. Kenny could be hurt. Oh my God, baka nakidnap nga siya." "May nakalimotan ka yata, Gwen." "What?" "I'm in my birthday suit." Laglag ang panga niya. Oo nga noh, isang lalaki na hubo't hubad na nasa loob ng honeymoon suite niya might distract the investigators. At baka hindi lang iyon ang sasapitin nila dahil baka ma eskandalo pa. Hindi pwedeng madamay ang pangalan ng pamilya ni Russ at ang hotel nila. Pero parang nagsasabi nga ng totoo si Russ. Sobrang mapaglaro ang tadhana sa kanila. Not to mention the fact that her valuables were not missing. Kung totoo mang may pumasok dito na mga magnanakaw, bakit hindi kinuha ang wallet niya, cellphone, laptop at alahas niya? Kaya ibinaba nalang niya muli ang telepono. "May sinabi ka ba kay Kenny?" "Gaya ng ano?" Guilt tangled with her fear. Hindi kaya naramdaman ni Kenny na may pag-aalinlangan na siya sa pagpapakasal nito? o baka na sense nito na may atraksyon siya sa bestfriend nito? Kaya ito na mismo ang nag set up sa kanila ni Russel sa iisang kama. "About us. May sinabi ka bang makapagpaselos sa kanya?" Para namang nairita ito sa tanong niya. Tinalikuran kasi siya nito. "Sagotin mo ako, Russ." "You don't deserve an answer." "Hindi mo maipagkaila sakin na pinigilan mo nga siyang makasal sakin." "Tigilan mo ako Gwen sa mga tanong na yan. Lalong sumasakit ang ulo ko. Wala ka bang aspirin diyan?" anito saka tumungo ito sa banyo. "Sagotin mo ako!" Lumingon ito at binigyan siya ng matalim na titig. "Oo, ayaw ko man na makasal ka sa kanya. He's a sleazebag and you're too good for him. Pero wala akong kahit na ano na sinabi sa kanya. Hindi kita kayang saktan, Gwen. Hindi kailanman." "If you're trying to convince me of your nobility, pwes hindi yan gagana sakin. Wala akong pakialam kung anuman ang sasabihin mo laban sa bestfriend mo." "Bestfriend?" He snorted. "Eh hindi ko nga ganon kakilala ang pagkatao niya." Before she could demand an explanation of what he meant, pumasok na ito sa banyo at pabagsak na isinara ang pintuan. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD